Kayumangging Damdamin

Titibok din ang puso mong may kayumangging damdamin. Hihintayin ko.

Sige Ihataw

KMSE1Nang-uusig, mapagparaya, makasarili, maharot, brutal, mapagbigay, mapaniil, nakakaloko,mapagpatawad nakakapraning,

nakakatulala, masalimuot, hangal, mapang-unawa,mapagnasa, bawal,naglaho, umusbong, tumakas,natagpuan,nagmamakaawa,daluyong,diliryo,ulol,

nanloloko, alipin, panginoon, nagpapaloko…umiibig, nagpaibig. Kinilig, naumay,namatay, nabuhay, tumibok..huminto, nabulag, nawalan ng direksiyon. Tumubo, lumago..nagbunga

TEMA: PAG-IBIG

 Teknikal na aspeto: 30%

Sanaysay (Impormal o Di-Pormal)

Wikang Filipino

Bilang ng mga salita- 300-350

Gramatika / Balarila

Pagbabaybay

Simula, Gitna at Pangwakas

 

 Nilalaman: 45%

nagtataglay ng kaisahan, kohesyon at kalinawan

May kamalayang malaya

Pumupukaw sa damdamin ng mambabasa

Alinsunod at nakapokus sa tema

 

Kakaibang Ideya: 25%

                                Pagpapakita ng malikhaing pagsulat sa sariling pamamaraan

                                Orihinal at hindi pangkaraniwang akda

                                Kakaibang dating sa pangkahalatang aspeto

                               

 Sa mga lalahok:

  • Ang inyong lahok ay ipoposte sa inyong blogsite sa Agosto 5-6.Walang palugit para sa mga gustong humabol.
  • Isumite ang inyong pangalan, lokasyon at ugnay o link sa  http://jkulisap.com/2010/07/sige-ihataw/ para maging opisyal ang inyong lahok, kailangan din ang inyong email address.
  • Ang tema o paksa/pamagat na dapat makita sa inyong lahok ay PAG-IBIG

 

 Hurado: Kung sino ang kalahok ay siya ring hurado

  • Bilang hurado, magbibigay ka ng puntos base sa nasa itaas na alituntunin at panuntunan sa patimpalak.
  • Bibigyan mo ng marka/puntos ang iyong mga katunggali, maliban sa iyong sarili
  • Magpapadala si J. Kulisap ng excel file sa inyong email address kung saan nakatala ang opisyal na lahok upang mailapat nyo naman ang inyong marka.
  • Isusumite ang inyong mga puntos sa pamamagitan ng excel file at ipapadala sa sulatronikong adres j.kulisap@gmail.com mula Agosto 8-12 taong kasalukuyan. Maaaring mabago ang petsa, depende sa dami ng lumahok.
  • Palutangin ang pagiging objective kaysa sa subjective. Walang dahilan para ikunsidera ang pagiging magkaibigan o anumang relasyon ninyo sa kapuwa kalahok.
  • Ang hindi makapagsumite ng kanilang marka ay babawasan ng 50 puntos ni J.Kulisap at Diwatang Gala.

Sa Mananalo:

  • Isang panibagong akda sa aking blogsite ang mababasa sa Agosto din. Hindi tiyak ang petsa.
  • Magpapadala din ako ng liham pagbati para sa magwawagi at kung papaano makukuha ang gantimpala.

 Bihisan mo ang pag-ibig. May bagong anyo ba?

Salamat sa patuloy na pakikiisa sa pagtuklas ng ating mundo, mundo na rin ng iba.

PAG-IBIG NI:

Pangalan Pangalan
1. Superlolo, Amerika     2. JC Cheese, Lungsod Quezon 
3.Benh, San Pedro Laguna 4.Aninipot, Mindanao
5.Jongskie, Bukidnon 6.Arnie, Cabanatuan
7.Timangkey      8.Cuteberl, Quiapo Maynila
9. Kaye Liangco-Plata, Laguna   10.Lambing, Isabela
11.Salbehe na Medusa pa, Karimlan 12.Metaporista
13. Beeftapa, Maynila 14.Rico Yakee, Sampaloc Maynila
15.Kuhracha- Kungsaansaanlang 16.Badet, Lungsod Quezon
17.Kikilabotz, Lungsod Quezon 18.Yin, Pampanga
19.Anjong, Kuwait          20.Gnehpalle, Lungsod Quezon
21.Romeo, Pasig     22.Sows 
23.Jam  24.Geylii- Sta, Cruz Laguna 
25.Unni, Lupang Pangako  26.Daniel Yuson , Lungsod Quezon 
27.Tutubi, Cebu   28.Echosera, Dubai
29.Joyo, United Arab Emirates 30.Karla, Sapusoniya
31.Taribong, Makati   32.Lipadlaya, Qatar
33.Kayedee, Estados Unidos 34. Sunnystarfish, Las Pinas
35. Laiman    36. Sphere, United Arab Emirates
37. PapaJex, Lungsod Quezon 38. Duking, Cavite
39. MD, Makati 40. Pong, Riyadh 
41. Super Balentong 42. Lio Loco, Baguio 
43. Len, Thailand 44. Para sa hindi nakasali..neks time
« Previous post
Bundok ng Susong Dalaga
Next post »
Aw!

568 ResponsesLeave one →

  1. Pangalan: Unni
    Location:Land of Promise
    http://glaze9980.blogspot.com/2010/08/siya-at-ikaw-kamalayang-malayapag-ibig.html

    shaks pwede mahiya sa poste ko hahaa…magandang hapon po G.JKULISAP~~

    Reply
  2. sana umabot…=(

    Reply
    • Hi Kat, paumanhin dahil hindi ako nakasagot agad. Dumalo lamang ako ng pagsasanay na may kinalaman sa aking trabaho. Opo, hanggang bukas pa naman. Salamat sa interes.

      Reply
  3. Pangalan: Daniel Peña Yuson Jr
    Lokasyon: Magat Salamat Street, Barangay Marilag Project 4, Lungsod ng Quezon
    Lahok: http://thebookofdyuson.wordpress.com/addendum/
    Email add: thebookofdaniel.069@gmail.com

    ;)

    Reply
    • Wahahaha, napakamasunurin, kumpleto ang address, bossing hindi ko na kasalanan kapag may nangharana sayo ha? Balitaan mo na lang ako.

      Kailan magiging malaya sa paningin ng mapanghusga ang pag-iibigan ni Adan at Esteban?

      Ang tanong, iba ba ang pintig ng kanilang puso sa pintig ng iyong puso?

      Iniiwan ko ang tanong dahil kahit ako, walang karapatang humusga.

      Reply
  4. @ J.Kulisap..!
    mahaba naman ang street namin eh..!
    at wala namang numero…
    akong inilagay..!
    kung may mangharana man..,
    mahihirapan silang…
    maghanap..!
    hahahahahhahaha..!
    pero..
    sige..!
    ikukuwento ko sa iyo..! ;)

    Reply
  5. Kuhracha

     /  August 5, 2010

    alam mo kung anong ayaw ko sa kontes mo? kelangan kong basahin lahat ng entries para mabigyan ng karampatang marka ang bawat isa. shetness.

    effort to kulisap. i declare na 2013 na.

    Reply
  6. Tutubi

     /  August 5, 2010

    Pangalan: Tutubi
    Lokasyon: Cebu
    Lahok: http://tutubiii.wordpress.com/2010/08/05/pag-ibig/
    Email add: kurikaye[@]gmail[dot]com

    (Teng, pagpasensyahan mo na ang aking munting nakayanan) :oops:

    Reply
    • Prinsesa ng Cebu.
      Kahanga-hanga ang tatas mo sa wikang Tagalog, binibini. Isa kang manunulat, makata at mangingibig.
      Mabait na, kulot pa.
      Ayaw ko nang magpasalamat.

      Reply
  7. Pangalan: Etchosera
    Lokasyon: Dubai
    Lahok: http://etchosera.wordpress.com/2010/08/05/dahil-sa-iyo-aking-pag-ibig/
    Email Add:amyleebringme@yahoo.com

    Kuya pasensiya na po super late at super gulo nyan.

    Reply
    • Ala eh, sa dayuhang lupa, hindi naiiba ang lengguwahe ng pag-ibig, doon ka humuhugot ng lakas para mapatunayan mong may ipinaglalaban ka.

      Kapeng barako nga di-yan Liza. Gay-on ga? Tunay ga?

      Reply
  8. Kuhracha

     /  August 6, 2010

    Natapos ko nang basahin ang lahat ng entries ngayong araw. Anong masasabi ko?

    Lecheng pag-ibig. Sumakit ulo ko. Matutulog na ko. Gandang gabi, kulisap!

    Reply
  9. magsisimula pa lang ang hirap…

    yung paghuhurado sa kapwa writers lol

    Reply
    • Mama, matalinhagang salita ang iyong kasuotan pero hindi naluma ang “fashion”.

      Gusto kong isuot ang pag-ibig mo.

      Salamat.

      Reply
  10. papajkul promise nahirapan ako… usapang heart :lol: nosebleed!

    Reply
  11. Hello! Makikisali at magtatangka sa pag-ibig. :)

    Pangalan: Karla
    Lokasyon: Sa puso niya (chos!)

    http://masarapmainlove.wordpress.com/2010/08/05/pag-ibig-ba-kamo/

    Reply
    • Karla, dugudog..dugudog, narinig mo ba ang dagundong na tibok? Ikaw kasi eh..kinanti mo ang aking puso. Hehehe.

      Maligayang pagdating sa aking munting bahay. Bahala ka na diyan, maghanap ka ng sarili mong kwarto.

      Salamat sa pakikilahok.

      Reply
  12. Pangalan: Bong Tari
    Lokasyon: Lungsod ng Makati, Pilipinas
    Ugnay: http://taribong.wordpress.com/2010/08/06/nakasulat-sa-mga-tala/

    Reply
    • Nakasulat sa mga bituin ang tadhana, kapag dumating ang kislap, huwag ng mag-alinlangan pa dahil dumating man ang pagsubok, may kasama kang haharap nito. Aw. Pag-ibig. Sarap.

      Reply
  13. Lipadlaya

     /  August 6, 2010

    Sir, heto na ang lahok ko,,,, salamat ulit sa panggigising…

    Pangalan: Lipadlaya
    Lugar: Qatar
    Ugnay: http://lipadlaya.wordpress.com/2010/08/05/ikaw-nga-pag-ibig/

    Reply
    • Wala ng depinisyon ang pag-ibig dahil ito ay buhay, dapat na ipinapamahagi at nadarama.

      Lipadlaya, malawak na mundo.

      Reply
  14. Lolo, binan mo na ko? Di ako makacomment!

    Reply
    • Meron na, hindi ah. May problema ‘yata. Marami yatang nagsusumite, eh alam na wala kang lahok kaya, least priority ka.

      Reply
  15. Ayun lumabas na!

    Ang gusto ko lang naman sabihin eh, pwede mo kong i hre na judge. Tutal mahilig naman ako mag judge kahit hindi sila books. Saka mapanlait ako, para i flood nila ako ng hate mails. Boahaha.

    Reply
  16. GOOD MORNING MUKHANG MAHIHIRAPAN AKO SA PAGHUSGA. DAMING MAGAGALING NA AKDA.

    Reply
  17. wow ang dami pala….nakaka 9 post palang ako na nakikita…hehehehe

    Reply
  18. kuli, may karugtong na po ang pangalan ko…hindi na Liangco lang…baka magtaka si daddy bong at initsapwera mo ang apelyido niyang Plata :-)

    Reply
  19. saling ketket lang po.

    Reply
    • Ibinukadkad ni Sunny ang hiram na pag-ibig. Ibalik kapag tapos na dahil may orihinal na may-ari. Isang paalaala na walang sinasanto ang pag-ibig kapag naghanap na ng makakatugon sa pagkukulang ng isa.

      Salamat po.

      Reply
  20. wow ang ayos ng mga links ahh.. super straight ang alignment.. hahahahahahahaha 32 na agad ang nagpasa.. astig!!!

    Reply
  21. wala talaga akong balak sumali this time.. hehehehehe 34 na!!! ang hirap i-judge nyan.. hehehehehe

    Reply
  22. sana tama ang ginagawa ko. sumusubok lang. http://laiman.wordpress.com/2010/08/06/pag-ibig/

    Reply
  23. name: sphere
    location: United Arab Emirates

    http://anne0829.wordpress.com/2010/08/06/pagibig

    Jkul pacensya kana po sa entry ko basta tandaan mo mahal kita at salamat sa ngiting nahahatid mo sa puso ko :-)

    Reply
    • Achieve na achieve Brit.

      Mula sa karagatan, hinugot sa tadyang ni Dingdong..hanggang sa magkusang magmahal kapag nananawa at nauurat ang kapareha.

      Bagsakan natin ng 96.79999999%

      Reply
  24. http://jex009.wordpress.com/2010/08/06/angrojexnarelonijex

    J. Meron na silang puntos sakin. kahit yung mga sasali pa lang.

    Reply
  25. Kuhracha

     /  August 6, 2010

    hinihintay ko pa rin ang entry ni duking… =(

    Reply
  26. ihahabol ko sana yung sa akin, niluluto ko pa? pwede pa ba?

    Reply
  27. ang dami nang sumali… nako, baka hindi ako makaabot… ngayon pa lang ako dinapuan ng inspirasyon!

    Reply
  28. bilang tugon sa hamon,nakakaduwag man,eto ang lahok ko!

    yeeepikayay!!!timing ang lahat sa bwisit na pagkawala ng internet ko!hahaha!

    pangalan: duking
    lokasyon: sa lilim ng puno ng kamatis
    web address: http://duking.wordpress.com

    ‘di ako marunong mahg link kaya bahala ka na,jkul.

    mabuhay ang isa na namang succesful mong pasiklaban.ang dami na palang tumugon.

    Reply
  29. Kuhracha

     /  August 6, 2010

    kulisap, tutal naman ay mga kalahok ang magbibigay puntos sa mga akda ng kapwa nila kalahok, baket di ka sumali? dali… may ilang oras ka pa. hahaha

    Reply
    • sangayon na sangayon ako sa sinabi mo. wala pang isang oras ko ginawa ang entry ko meron ka pang 4 na oras.

      bilis tumatakbo ang relo.

      Reply
      • Hindi na po ako pinahintulutan, sayang nga eh. Ganito ang simula dapat…

        Kinaladkad ang puso kong nakalagay sa pwet, tinikman ng halimaw na tikbalang, isinalya ng kangaroo, nilunok ng buwaya, sumirko at muling dumilat ang puso…tugodong.

        Reply
  30. Hindi ako alam na ang premyo pala ay relo

    WASAK!

    ahaha!

    nabasa ko lang yung sa entry ni kurucha

    wahaha

    yun pala…

    hehehe *Ngiting Aso*

    Reply
    • Kuhracha

       /  August 6, 2010

      huh? magsalita ka jex.. magsalita ka.

      Reply
    • oy jex…nakuha mo na ba yung bmw na napanalunan natin?

      yung sa akin,araw araw kong gamit sa trabaho.hahaha!

      Reply
      • jex

         /  August 7, 2010

        Ang daya BMW pala ang iyo sakin kasi paliparan lang ng eroplano kaso walang eroplano.

        binigyan nya ko ng bente pesos binili ko ng bigas!!

        ahahah!

        Reply
  31. pwede magtesting sa comment. potek parang nakablock dito sa office magcomment.

    Reply
    • Nabasa ko na ang akda mo Pong. Ipagpaumanhin.
      Dakila ang pag-ibig na iyong ipinapakilala sa lahat sa amin.
      Umasa kang may mga taong matututo, makikinig at handang mag-alay din ng pag-ibig.

      Salamat. Kamusta? Magandang araw.

      Reply
  32. Pong

     /  August 6, 2010

    Kuya pasensya na po at huli ng kaunti ang entry dahil sa mga kaabalahan dito.
    May request lamang po ako. Dahil kalimitan ang mga blogspot ay nakabl.ocked sa ospital maari niyo po bang ilagay ang mga entries ng blogspot sa doc file at isend sa email ko

    pong_lc@yahoo.com

    salamat po!

    Reply
    • Pong, wait lamang ha? Tutal si Sir Roland hindi gumawa ng entry, siya ang alipinin mo. Ahahaha. Parusa ko sa kaniya yan. Pagkatapos kong makiusap na sumali siya, inisnub ako.

      Reply
      • Pong

         /  August 7, 2010

        may sinend na siyang iba
        hindi ako nagbibiro kapag nasa blogspot binablocked talaga sa ospital at madalang lamang makalusot po kuya

        nagka-copy paste ako ng mga entries ipaparing bind ko tapos ipa-published ko dito ahahah
        para madaling magbasa mamaya sa bahay
        mahirap magbasa sa screen kuya nakakahilo.

        sana magaing objective ang lahat. be blessed po!
        kuya e-mail alert!

        Reply
    • Balentong ako sa kakatawa. Hindi ka pa handa niyan ha? May participation pa ang mga kasamahan mo.

      Parang utot lang ba ang pag-ibig?

      Reply
  33. huli man daw at magaling kung matinik ay malalim.

    para hindi mo naman sabihing isnabero ako at di marunong tumupad sa usapan, g. jakuli.

    http://www.stillssdd.com/2010/08/para-kay-sarah-g-o-kung-paano.html

    time check: 11:31PM 08062010 :p

    Reply
    • Wotwot, ang prinsipe ni Sarah G. Gusto mo may ipakilala ako sayo Lio, nag YM sa akin, sabi niya, super crush ka daw niya dahil sa entry mo. Tae lang ha.

      Makagawa din nga ng entry, gayahin ko istilo mo.

      Reply
  34. ito pala yung mga nababasang kong pag-ibig sa blogosphere…:D

    Reply
    • Salamat Len. Natutuwa ako sa iyong akda.
      Alam ko naman, maganda ka na sa pisikal na anyo, maganda pa ang iyong puso.

      Reply
  35. Pong

     /  August 7, 2010

    magandang umaga po kuya
    palagay ko 2 days akong walang gagawin nito sa opis kung hindi mag blog hop at magbasa ng mga entries

    siya nga po pala Kungrats sa iyo at kay Diwatang Gala sa tagumpay ng Patimpalak!

    be blessed pO!

    Reply
  36. ako pala yung ika-44.. hahahahahahaha naks naman! inayos na nya yung mga links, with matching table pa ahh.. ;) pwede ba silang lahat ay panalo? ;)

    Reply
    • Opo para sayo yong slot number 44. Pwede para sa akin pero dapat pong sundin ang alituntunin at pamantayan sa patimpalak.

      Bilang ng mga salita.
      Sanaysay ba ito?
      Nasunod ba ang teknikal,nilalaman at kakaiba/orihinal na krayterya

      Reply
  37. Lipadlaya

     /  August 7, 2010

    wa,,, sasakit ulo namin dito, jkul…. mas malupit pa sa showtime ang labanan dito,,, lahat magagaling!!!!

    hindi ka ba talaga pwedeng magbigay ng 43 na relo? or 20? o kaya 10?

    mas malupit to kesa dun sa unang kamalayan contest mo,,, madugo,,, pero ang paborito ko ay ….

    yung pang 44, hahaha… mga sobrang busy sa practical application ng pag-ibig na yan…

    Reply
  38. Lipadlaya

     /  August 7, 2010

    1 pakontest,,, 43 kalahok…. 1…43 naman… i love you ba ito??? galing naman…. parang sinadya….

    Reply
  39. Gumawa din ako ng ganto pero di na ako sumali. Magagaling sila eh. Haha. Pero pinost ko pa din sa blog ko sir. Di na ko sumunod sa rules. Dahil di na nga ako sumali. Congrats sa successful contest at sa mananalo.

    Reply
  40. angBADUY ng no. 37 ang sarap isalya sa bangin. Ang baduy. Ano ba yan? hindi na dapat sinasali yon e. HAMBOG ta’s ang yabang-yabang pa. POWTAH teka papasabugin ko lang yong site nun.

    nyehahaha

    Reply
  41. magandang araw sir jkul,

    nakakahiya mang isipin, matapos kong basahina ng lahat ng gawa ng mga nakisali.Akoy nahihiya sa ipinasa kong pkikilahok. maraming maraming salamat dahil nabigyan akong makapagbasa ng mga likha ng magagaling na manunulat. nag enjoy talaga ako.

    sir yung gawa ni jam hindi ko mapuntahan. mali siguro ang link ito po yata ang tama

    http://jg-myunfoldstories.blogspot.com/2010/08/bakit-ganito-ang-pag-ibig-kamalayang_07.html

    maraming salamat ulit

    Reply
  42. J. Kulisap hindi ko mabuksan yung file na sinend mo. Di ko alam kung eng2 lang talaga ko eh. Paano ba gagawin ko? Maraming salamat. Magandang araw.

    Reply
  43. Gumuneng Lolo! Ano ano ano nakadecide ka na? Akinayang papel na yan! Woooo!

    Reply
  44. jkul, ask ko lang, binago mo ba yung bilang ng salita? parang ang nabasa ko dati ay nasa 500 words, o guni-guni ko lamang yun?

    Reply
  45. hehehehehe guni-guni ko nga siguro.. hehehehehe ok naman.. sana walang pasok bukas.. hahahahahahaha sino na ba nangunguna sa score sheet?

    Reply
  46. Pong

     /  August 8, 2010

    kumusta po kuya?
    wala na hindi mo na ako nirereplyan sa mga emails ko huhuhuhuhu
    wala na huhuhuhuuh

    hindi na ako mapasok sa blog ko
    baka nakahalata na ang ITA dito huhuhuhu

    Reply
    • Ganun ba? Don’t panic. Hindi ‘yan, sabihin mo, si Roland ang boss din diyan. Di ka nila pakikialaman. Sabi mo ayos na kaya di na ako nagrereply, saka nagko-consolidate ako ng mga grades.

      Gusto mo silipin ang partial score mo? Ahahaha. Habulin mo ako.

      Reply
      • Pong

         /  August 8, 2010

        hwuhhh
        ganyan ka na ngayon ahahaha
        hindi mabagal daw talaga sabi mam kuhrach sa akin
        si sir roland ay hindi pa nagparamdam sa akin sa araw na ito maliban sa gud morning huhuhuhuhu

        alam mo bang pinrint ko ang mga entries kahapon at binasa ko sila talaga at ginrade kaso naman naiwan ko sa deck ko ang tally sheet kaya bukas ko nalang isusubmit

        isend mo sa akin ang score ko
        karapatan ko yun ahahaah

        Reply
        • Sige bukas mo na lamang ipasa. In fairness, mataas ang score mo. Hindi yown joke. Napapalutang ang pagiging objective.

          Reply
        • WP

           /  August 9, 2010

          Pong di ako nakatawag sa iyo kanina kasi maraming kustomer maghapon, nagpapakulot at nag papa-foot spa, tapos sumabay pa yung interview ng isang lintek na kulot na reporter na iyon na gusto lang pala maka libre sa hot oil. Pag nakaluwag-luwag ako tawagan kita okies? Wag kang mag alala reresbakan natin ang mga ITA diyan sa opis nyo. Irerebond ko ang mga buhok nila hokei?

          Reply
          • Wahahahhaa. Ang make-up, hulas na sa kaka-interview.

          • Pong

             /  August 9, 2010

            @sir wp
            hmmmmmm
            basta alam ko pirated ako ahahaha
            opo sige madami bang mga parokyano dyan
            bigyan mo ako sir part time ahahahah

            @kuya kulisap
            wala lang nagpaparamdam lang ako ng magandang umaga sa iyo!
            magpapasa na ako ng grades mayamaya
            be blessed po kuya ko!

          • Salamat sa pagpapasa ng grades mo Pong. Naniniwala akong walang kinikilingan ang iyong pagmamarka. Mahusay.

    • WP

       /  August 8, 2010

      May Ita diyan Pong?

      Reply
    • Hindi marunong gumamit ng email si Lolo. Pasensya na Pong. Naglilinis lang sya ng pustiso.

      Reply
      • Tama, pakikuha nga ang pustiso ko Vajee, nakababad sa tubig, pakiinom na rin ang tubig kasi taghirap tayo sa tubig kaya magtipid.

        Reply
  47. Pong

     /  August 8, 2010

    @kuya kulisap
    opo bukas na ako magpapasa ng score sheet ko po
    ganun po ba mataas ang iskor ko
    hmmmmmmmmm
    hindi naman po importante ang iskor
    ang importante ay ang relo ahahah
    hindi po ok lang kahit ano grade ko
    siya nga pala
    bakit yung iba madalas mong bisitahin sa blog nila
    bakit ako minsan lang
    may peyboritisim na ba? huhuhuhuhuhu

    @sir wp
    kumusta naman po diyan sa sangkadisyertuhan?

    Reply
    • Huwag nang magtampo Pongkie ha? Ganun ba? Paumanhin naman kung may nadadalaw ako ng higit pa sa isang beses. Halika na dito,dede na, may gatas pang natira si Roland, kakadede lang niya sa akin. Kumain ako ng malunggay, para madaming gatas. Come, come.

      Reply
    • natawa nman ako dito kua pong kala ko seryoso na sabay banat na ang mas mahalaga ay ang relo. hehehehe.

      @ kay kua JKUL mamayang gabi ko nalang po ipapasa nakablock na kasi ang ym dito sa amin.

      Reply
  48. Kuhracha

     /  August 8, 2010

    dahil sa kontes mo, natuto akong manghamak ng gawa ng iba. tsk… bad, bad cheetah.

    buti na lang at nag-uumapaw ang biased kong pagmamahal kaya mataas na grado pa rin ang ipinagkaloob ko. wapakels. isa kong hurado. hahaha.

    next patimpalak prize: laptop unit na!

    Reply
  49. leemi

     /  August 9, 2010

    Lolo Irog, ang dami mong Love, :)
    nakakahawa ayung iba… yung iba nakakaadik, nakakaiyak at lagi akong tinatamaan ng magaling..

    salamat Lo, kahit di ako sumali, lam ko naman na Love mo pa rin ako..

    Reply
    • Love na love pa rin kita pero iba ang tatak Lee Mi, kaya ako’y umasa rin na may lahok ka pero hindi bale, ang sabi mo natutuyo ang batis na daluyan ng pag-ibig mo, malay mo magtag-ulan.

      Kamusta?

      Reply
  50. hay naku, nahiya din ako :D ang ginawa ko kasi imbes na magbigay ng grado, deductions ako :D wahahah

    Reply
    • Tama lamang na magdeduct kung karapatdapat na bawasan ang puntos nila. Iyan ang mahalagang dapat na tinatandaan sa patimpalak, ang panuntunan.

      Reply
  51. waah! kuya ang sakit na ng ulo ko..pasaway ka!!!..

    Reply
  52. Pong

     /  August 9, 2010

    na-isend ko na po ang class record ko sir principal.
    walang kinikilangan, walang pinoprotektahan serbisyong panig sa katotohanan at panig sa pagbabago ng bayan!
    ang markang ibinigay ko ay base sa panuntunan at base narin sa pagsasaliksik ko (ahahahaah) kagaya ng batas na sinusunod sa paaralan, basta nagsulat ang bata kailangan bigyan ng puntos sa ano mang criteria.
    yehey!
    ang sakit ng ulo ko sa init dito kaninang nagbabyahe!

    may e-mail ako sa iyo kuya

    Reply
    • Nakita ko na Pong, at masasabi kong, wala lungs. Ahahaha. Ayos ang grado mo. Talagang may mas nangingibabaw sa karamihan. Pero, patas na patas ang iyong marka. Napatunayan ko.

      Reply
  53. haha pasimuno ka ulit nito. kaya puro lahat ng bloggers inlove sa mga posts nila Yey!

    Reply
    • Yes Sir, ako po ang may kagagawan nitong pagsiklab ng damdaming kayumanggi ng mga Pilipino.
      Ang gawaing ito ay pagpupugay ko sa ama ng ating wikang pambansa,si Manuel L. Quezon.
      Kamusta ka Barry?

      Reply
  54. naipasa ko na kuya. yung pangako mong patikim. hihintayin ko po.

    Reply
  55. Email alert.

    Reply
    • Nakuha ko na Salbe. Tunay ngang ang pusong umiibig ang gumagawa ng paraan para matalos ang tunay na layunin. Hinahangaan kita sa iyong katapatan at kadalisayan.

      Salamat

      Reply
      • Mas gusto ko yung reply mo sa akin sa email:

        “puta ka, bakit ka pa binigyan ng hininga …salamat.hayop ka..ang lupit mong ma-inlove.
        duguang underwear..family”

        Bwahahahaha!

        Reply
        • GANYAN TALAGA ANG REPLY NI KUA JKUL? SHOCKS…

          Reply
          • Oo! lakas nga ng tawa ko. Tapos ako ang nasasabihang balahura. Ako na! =)

          • sori for the word kung iisipin ko sa salita palang bading na ang nagsalita. kua JKUL bati tayo,. musta naman kasi yung mga binitawan mo bading na bading kasi. hahahah

          • Salbe, ipinahamak mo na naman ako. Sa linis ng budhi ko, masasabi ko ang mga ganyang salita?

            Kita mo na pati si Berlim, napaniwala mo.

            Oo, Berlim, nilulukuban ako ng masamang espiritu. Mas malufet pa diyan ang mga gay lingo ko.

            Keribles, rampage na tayo Berlim.

          • Jakul, sorry na. Na-mi-miss lang kita. Bati na tayo. Huwag mainit ang ulo.

          • hala nagalit tuloy si kua JKUL. hehehe. Bati tayo kua JKUL. Naalala ko 2loy si Nicole hyala. haahaha.

          • @Berlim and Salbe, hindi po ako nagagalit.

            Karapatan ninyong mag-assume ng kahit na ano at isa lamang ang masasabi ko diyan, WKC. (wakocare). Basta hindi nakakamatay, ayos na ayos tayo diyan.

            Love ko nga ang kabadingan ko sa katawan, mas maharot, mas malandi.

          • hehehe. bait talaga oh. kelan ka kaya kukunin? hehhehee

        • Don sa parteng mabait, mali ka don, pero kung kailan ako kukunin, itext natin ang kukuha sa akin para alam mo. Magpapaparty ka?

          Reply
        • DUGUANG UNDERWEAR FAMILY FTW! Hahahaha. Kaya never ko ng eemail si Jakul. Nakakaharass.

          Reply
  56. Gudlak to all of them…d na ako nakasali napurnada ako hays…pero may bet n ako sa mga lumahok…pero d ko pa nabasa lahat ng entries nila hehehe…

    Andaming sumali at andaming magagaling…Nice Hosting parekoy! BOX OFFICE hahaha…

    Reply
    • hi jag. sino po bet mo?

      Reply
    • Bet niya ang number 44 na entry Berlim.

      Asang-asa pa naman ako na sasali ka Jag, buti na lang maraming sumali na hindi ko inaasahan. Kamusta?

      Reply
      • hehehe. pinagloloko mo naman ako kua jkul eh. hanggang 43 lang kaya. pasaway kang bata ka. paluin kita dyan sa pwet eh.

        Reply
      • Aw, bakit sa pwet..ang dami kong pigsa sa pwet. Kiss na lang, dito, dito pa at marami pang dito.

        Reply
      • @ Jkul: Cnxa n parekoy naging busy eh tas nagkasakit pa ako hays…hahabol sana ako kaso hndi nakaabot huwaaaahhh! di ko na makukuha ang relo (as if ako ang mnanalo pag sumali hahahaha)…

        Pwede palitan mo na lang ang papremyo mo ng isang bag ng cloud 9? Tapos ibigay mo na lang sa akin ang relo? kausapin mo nmn si inang diwata puhleaaaaazzzzeee!!!! LOL.

        @ cuteberl: Sekretong malufet na lang kung sino mga napupusuan ko haha(o wag ng mamilit hehehe)…aba at kasali ka ata, babasahin ko muna sanaysay mo hehehe…goodluck sau parekoy!

        Reply
        • Sure, Diwatang Gala, si Jag po ay nais kayong makilala. Gusto niya ang relo. Pwede po bang isang sakong cloud 9 na lamang ang ibigay ko sa mananalo?

          Reply
  57. Pong

     /  August 10, 2010

    Magandang umaga kuya,
    talagang may percentage pa ng mga nagsubmit ng grades parang PCOS Machines lang hahahaahah

    basta kung sino manalo pahiram nung relo ha
    ahahahaha

    be blessed to all!

    Reply
    • hala nahiya naman ako. eh di nakita mo na kuya pong yung gradong binigay ko sayo. magandang umaga.

      Reply
    • Magandang araw din Pong.

      Berlim, wala po akong pinagbibigyan pa ng mga grades. At hindi ko ipapasilip ang kabuuan nito pero maaari akong magbigay ng unofficial score ng isang contestant.

      Reply
  58. buti naman… walang lang hahaha. nakakaexcite.

    Reply
    • Pong

       /  August 10, 2010

      @kuya kulisap
      tama dapat ang ibigay na score ay kabuuan at hindi yung raw score na ibinigay ng bawat blogger kasi posible yung pagsimulan ng hindi magandang samahan
      pero dahil mahuhusay naman lahat pasilip nga ahahahahah

      @berlim
      tama si kuya kulisap
      confidential ang mga iyon at wala siyang pinasilip na grades sa akin maliban sa partial total lang kagaya nung nabanggit niya.

      Reply
      • Pongkie, “..posible yung pagsimulan ng hindi magandang samahan…”- dapat ito ang matutunan natin, ang tumanggap ng pagkakaiba. May akdang maganda ang hatid sa iba pero sa iba, walang dating. Bakit kailangang pagmulan ng sama ng loob?

        Reply
        • Pong

           /  August 10, 2010

          Tama si kuya kulisap at mali ako. Hindi dapat ito pagmulan ng hindi pagkakaunawaan.
          Patawad po.

          Reply
          • Walang dapat ihingi ng paumanhin ang taong nagsasabi lamang na kaniyang saloobin.
            Tanging mabait na tao lamang ang nag-aanalisa ng mga salitang kaniyang nabitawan kung tama at mali. Hindi na ako nagtataka don Pong, dahil isa kang anghel.

            Huwag kang mangamba.

  59. @kua pong. ayaw mo namang buuin ang name ko. hehehe. silipin natin yung mga marka. hahaha

    @kua jkul. kami lang naman ni kua pong ang sisilip at tayong apat lang ang makakaalam nito? di ba guys wala kayong nabasa at nalamang ilegal? hahaha

    Reply
  60. Ngayon lang ako napadaan. Hindi na ito makakasali sa kontes pero iwan ko na rin dito, para sa may panahon at ganang magbasa. Salamat!

    “Pa-order nga po ng Pag-ibig, with extra cheese, willing to wait” http://ilayailaya.wordpress.com/2009/02/13/pa-order-nga-po-ng-pag-ibig-with-extra-cheese-willing-to-wait/

    “Sabado daw ang Valentine’s Day, at Byernes naman ay sweldo.” http://ilayailaya.wordpress.com/2009/02/01/sabado-daw-ang-valentines-day-at-biyernes-naman-ay-sweldo/#more-226

    “Pikit-Mata” http://ilayailaya.wordpress.com/2010/08/07/pikit-mata/

    Reply
  61. lipadlaya

     /  August 10, 2010

    Panalo tayo lahat sa Pag-ibig ni JKUL… sa muling paglipad ng kamalayan…

    Reply
    • Opo, kung muli akong pagkakatiwalaan ng Diwatang Gala, pero hindi pa tapos ang aking asignatura sa kaniya.
      Sana, aktibo pa si Kulisap sa blogesperyo sa mga susunod na panahon. Sana.

      Reply
  62. lipadlaya

     /  August 10, 2010

    Mananatili kang aktibo kasi marami kaming mangunulet sa yo.. hehe

    Reply
  63. Kuhracha

     /  August 10, 2010

    kulisap… im so busy lately. di pa ko tapos maggrade. pasensya naman. hamishyuuuu!

    Reply
  64. Andami palang sumali! Masarapo sana mag judge kaso ayaw akong payagan ng mapanghing iguana! :) )

    Reply
  65. loooooo… na submit ko na! eheheh.

    Reply
  66. Pong

     /  August 11, 2010

    magandang umaga kuya!
    hindi makapasok koment ko dito huhuhhhuuhuhuhu

    kumusta na po ang pakontes?
    ok na po ba lahat? wag ka po magpagod ha.

    be blessed po!

    Reply
  67. sa wakas kuya kuli natapos ko din.. dalawang beses ko pong isinumite ang aking marka baka kasi di masend. magbibigti ako… ehehe, naaliw ang puso ko kuya sa mga entry. masaya kong nakasali dito. Kuya ung apple mcfloat ko ha… ehehe. Hugsss… (nakikiclose lang) :D

    Reply
  68. kuya kung may prob. i msg. mo me sa ym: lianlee26@yahoo.com :D . chalamat!

    Reply
  69. wow parang kailan lang lolo jkul may pakontest nanaman huwaww nman..kainggit ..soon gagawa n po ako ng isang personal blog..hihih tga pampanga pla si yin..:)

    Reply
  70. hello kuya…paramdam lang…

    :)

    Reply
  71. Kuhracha

     /  August 12, 2010

    hamishu kulisap. mwah mwah mwah!

    Reply
  72. Papa Jkul, wala bang unofficial tally?

    Reply
    • manual tally kaya matagal

      di pa uso dito ang electronic counting :D

      Reply
      • kuya kuli, sana ung bet ko un ang manalo… salamat sa pakontes ang dami kong nakilala bagong mga kaibigan… binigyan mo ang bawat isa ng dahilan na ilabas ang natatagong galing sa pagsusulat sa PAG-IBIG at binuksan mo ang pinto at bintana sa mga bagong mga kaibigan at kakilala…

        Mabuhay ka kuya… hugzzzzzzzzz

        Reply
        • Yon naman ang ating layunin. Ang makakilala ng iba pa, bukod sa iba pa. Meron na pong resulta ang patimpalak. Salamat din.

          Reply
  1. Pag-ibig: Sa Pamilya, Sa Kaibigan, at Sa Sarili « Say Cheese!
  2. PAGIBIG: KAPAG NAGMAHAL KA NG TOTOO PARANG AYAW MO NANG BUMITAW! « BERLOG'S WORLD : BETTER THAN LIFE
  3. Keekaye's sketches » Blog Archive » Hindi (pagmumuni-muni sa pagibig, sa ikalawang pagkakataon)
  4. PAG-IBIG « Lambing lang ang katapat mo
  5. Pag-ibig | A B N K K blog N P L Ko?! (V2.0)
  6. saan matatagpuan ang PAG-IBIG? « Saving Grace
  7. Tinimbang ako ngunit kulang. (Sulatin para sa Kamalayang Malaya: Pag-ibig) | ANIMUS
  8. “Pag-ibig” « miss.dr4g0nfLy
  9. Dahil sa iyo aking pag-ibig. « emotions
  10. nakasulat sa mga tala « ang alingawngaw ng taribong. . .
  11. lakas tama! « …ɐʍɐƃɐɯ ƃuoʞɐ ɐןɐʍ ɐs ɥǝ
  12. Halina “DaDa” Luwalhati « J e x
  13. penge pa! » נσωуσω'ѕ ѕcяαтcн ραρєя!
  14. Panguusig sa Pag-ibig « Mizpah
  15. Pag-ibig « Pink Diaries

Leave a Reply